-
No Boyfriend Since Birth
Never been kissed and never been touched. Wala naman akong balak magmadre, hindi naman masyadong strict parents ko, di naman ako choosy at higit sa lahat hindi naman ako “Forever Alone”. Pero bakit for almost 20 years of my existence NBSB pa rin ako?
Way back then and until now, lahat ng nagpaparamdam kundi sa “friendzone” napupunta hanggang MU lang, period. Kahit na alam kong pareho kami nung guy na gusto ang isa’t-isa I still build a boundary between us.
Dati takot na takot talaga akong pumasok sa boy-girl relationship. Bukod sa napakabata ko pa that time, may pagka paranoid din ako dati na once pumasok ako sa relationship araw-araw kong naiisip yung break-up o kaya “baka nagsasawa na siya”. The bottom line is takot akong masaktan.
Ngayon, nasa hustong gulang na’ko para makipagrelasyon pero wala pa rin talaga sa isip kong magkaboyfriend. Siguro dahil may mas priorities pa’ko kesa sa love at alam kong darating din naman ako dun, kaya chill lang. I’m not searching but open to mingling.
At hindi naman nakakapressure maging NBSB para sa’ken lalo na’t mga kabarkada ko kapederasyon ko rin. And I think we share the same reason (main reason) kung bakit NBSB pa rin kame and that is “I want to save my first for my last” and I know makikita ko rin si Mr. Right in God’s time. :)
-
You cannot protect your security (network) without knowing the techniques of the hackers.
-Engr. Steven Caraan
-
Nakakapagod nang maghabol, ikaw hindi ka ba napapagod magpahabol?
Missed calls doon at dosenang messages dito. ‘Yan ang madalas kong gawin kapag hindi ka nagrereply, NOON. Oo NOON. Ayoko ng ipilit ang sarili ko sa taong magpaparamdam lang kapag ako ang unang nag-initiate ng usapan. Hindi ako aso para habul-habulin ka, TAO ako.
Siguro nga nasanay lang ako na dati kapag may problema ikaw ang tinatakbuhan ko, pero things changed and people too, sadly including you. Pero nagpapasalamat ako dahil ngayon narealize ko na kaya ko naman pala ng wala ka. Kaya next time na magparamdam ka ikain mo na lang yang “I love you” at “I miss you” mo baka gutom lang yan. Huwag mo na’kong bigyan ng reason para habulin ka ulit.
Hindi naman ako magbabago. ‘Wag ka mag-alala ako pa rin yung nakilala mo, yun nga lang hindi na sa likod mo para maghabol kundi sa tabi mo bilang kaibigan pa rin. :)
-
Kahit na may mga nakakalaro ako sa morning at the end of the day ikaw pa rin ang special sa’kin.
RJC
-
I wish more people felt that photography was an adventure the same as life itself and felt that their individual feelings were worth expressing. To me, that makes photography more exciting.
~Harry Callahan
Last Holy Week (Good Firday), pumunta kaming Pampang para manuod ng taunang pagpapako sa krus ng mga kapwa naming Kapampangan na kanilang panata. Bukod sa mga pila-pilang nagpepenitensya at iba-ibang pagkain may iba pang mas kumuha ng aking atensyon. Pwera sa mga gwapong turista ok? Kundi ang mga photographers na nasa itaas.
Hindi naman sa dahil sa mga malalaki at mamahalin nilang camera kung bakit ko sila tinitingnan most of the time. Humanga ako sa attitude nila bilang photographer. Akala ko kasi kapag photographer ka “sosyal” ang hitsura mo pero hindi pala! Tumatagaktak ang pawis, halos magpolka dot na ang kanilang damit dahil sa talsik ng mga dugo ng mga nagpepenitensya at meron pa ngang umakyat ng puno dahil sa dami ng tao makakuha lang ng malapitan. Natutuwa rin ako nung kinukunan nila yung pagdilig ng lupa ng mga bombero, kulang na lang maligo sila sa sobrang lapit sa firetruck. Walang arte at walang takot na madungisan.
Photography is not about having a SLR/DSLR, it’s having the passion to capture images without limits.
(Source: smilelikedomoXD)
-
Hindi naman ako nagseselos. Ayoko lang talagang may nakikitang kalat sa wall mo, gawa ng mga babaeng mas maganda pa ang siko ko.

Yep I’m not jealous, bitter lang! CHOS! HAHAHAHAHA.
(Source: smilelikedomoXD)
-
Dear you,
I miss the laughter and the nights we talk until dawn.
I miss seeing you at school.
I miss talking to you.
I miss bullying you.
I miss your big smile.
I miss you~
And oh Happy 21st Birthday!
Sincerely,
Your Bespren
-
Yung mga biglaang “I love you”. ♥

:”>
(Source: smilelikedomoXD)
-
TOGA muna bago trahe de boda. =))

Congrats sa mga naggraduate especially sa mga pinakamamahal kong engineering =))))))))))
(Source: smilelikedomoXD)
-
It’s how you use your advantage that matters, and you used us for good!
~Wanda, Fairly Odd Parents
May mga kanya-kanya tayong “lamang” sa ibang tao. Halimbawa sa trabaho matalino ka pasok ka na, kung maganda ka pasok ka na rin. You know what I mean. No need to elaborate. HAHAHAHA! Diskarte lang talaga ang kailangan kung paano natin mapapakinabangan ang ating mga “advantages”. At syempre dapat gamitin natin ito sa tama.
Katulad lang yan dito sa tumblr, may mga taong sumisikat dahil magaling magpayo, wagas kung magpatawa, ang mga matatalino na kapupulutan natin ng aral, nandyan din yung mga bihasa sa paggawa ng mga typographies, word arts at doodle, syempre wag din nating kalimutan yung mga artistahin ang itsura na talaga namang dinudumog ng mga followers, at iba pang mga natatanging katangian.
We are blessed with one or more of these gifts and talents. Let us respect each other’s individuality and be contented on what we have. After all, we have our own characteristics that make us unique from one another, it is how we use our advantages that matters.
(Source: smilelikedomoXD)
1/8
Next »