-
Dear You,
First of all I’m so sorry dahil ninakaw ko ang pic mo sa fb:)) Anyways, it has been three years since we became bestfriends. Nandyan ka nung first and second heartbreak ko. Namiss ko rin yung times na kahit madaling araw ako nagtetext gising ka pa rin. Naging drama buddy din kita. Maraming salamat sa’yong walang sawang pakikinig sa aking mga drama na kahit ako mismo nauumay na:))))
Kahit na matagal na kita kilala di pa rin nawala yung image mong loko-loko, siraulo, loko-loko, takaw away, loko-loko, walang kaseryosohan, loko-loko at badboy. Teka nasabi ko na ba yung loko-loko?=))))))
But these past few weeks things changed. Ibang bhext ang nakilala ko. Ang dami kong nalaman about sa’yo. Natouch ako nung nalaman kong may alaga ka palang pusang kalye. Natuwa ako nung sinabi mong mahilig ka rin manuod ng mga inspirational videos. Nalungkot ako nung nalaman kong may financial problem sa family niyo kaya baka maapektuhan studies mo. At higit sa lahat, nainspire ako nung gusto mong maghanap ng trabaho para tulungan parents mo sa pagpapaaral sa’yo dahil alam ko gusto mo talagang makapagtapos at mataas ang iyong pangarap.
Sa lahat ng naging bestfriend ko ikaw talaga yung super close ko pero walang malisya pero marami talagang nagbago. And the weird thing is, I miss you like I never did before. Out of the blue kitang naiisip. Ulit-ulit kong pinapakinggan yung Knocks me off my feet by Stevie Wonder and guess what? Ikaw naalala ko sa song na yun. Ang corny talaga!=))))) And eto pinaka malala, I had your name written on my wrist.
Naguguluhan talaga ako this past few weeks, hanggang sa sabihin ko sa kaibigan ko na “May gusto ako sa kanya”. Hanggang ngayon buhol buhol pa rin utak ko dahil sa’yo. Leche ka nunal!=))))) Pero I’m trying my best to ignore this kacorny-han=))))) Don’t worry everything will be back the way it was.
Sincerely,
Your bestfriend.
#Ang lakas ng loob ko magpost ng ganto kasi di naman nya mababasa. Safe na safe umamin! =)))))))))
« Previous /
Next »